Mag-ingat sa pagpasok ng summer
MANILA, Philippines - Pinaalalahanan ng Philippine Athmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko na mag-ingat dahil sa pagpasok ng summer at pagkakaroon ng matinding sikat ng araw kayat dapat umanong palagiang magdala ng inuming tubig, payong at sumbrero ang publiko para makaiwas sa epekto ng mainit na panahon.
Ilan lamang sa mga sakit na maaaring dumapo ngayong summer season ang bungang araw, sore eyes, hika, pagtaas ng alta presyon at iba pa bunga ng epekto ng matinding init ng panahon.
Ayon kay Dr. Nathaniel Servando, administrator ng PAGASA, pumasok na ang summer nang ang Ridge of High Pressure Area (HPA) sa Luzon o ang ihip ng hangin ay naging easterly mula northeasterly at ang unti-unting pagtaas ng temperatura ay nagpapakita ng pag-alis ng northeast monsoon.
Ang pagsanib anya ng weather condition ay nagreresulta ng maalinsangan at mainit na panahon sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Gayunman, may oras anya na may malakas na ihip na hangin mula sa silangan sa may eastern section ng bansa at katamtaman ang alon sa karagatan dulot ng umiiral na La Niña phenomenon.
- Latest
- Trending