Chinese dagsaan sa PPUR
MANILA, Philippines - Dumagsa na naman ang mga Chinese sa Pilipinas makaraang manalo ang Puerto Princesa Underground River sa 7 New Wonders of Nature.
Ayon kay Ms. Rebecca Labin, Tourism Palawan head, nagpakita ng interes ang mga Chinese na makita ang sikat na PPUR na may malaking tulong para sa patuloy na pagsigla ng ekonomiya sa Palawan .
Sinabi ni Labin na sinisikap nila na mapaganda ang imahe ng Pilipinas sa mga turista upang balik-balikan nila ang mga magagandang lugar sa bansa partikular ang PPUR makaraan ang madugong hostage crisis sa Quirino grandstand no ong nakaraang taon na maraming Chinese national ang namatay.
Ipinagmalaki din ni Labin na magandang mamalagi sa Puerto Prin cesa dahil wala doong bagyo, walang lindol dahil walang fault line at napangalagaan ang likas na yaman doon.
Sa kasalukuyan, mga Pinoy pa rin ang kadalasang dumadayo sa PPUR ngunit parami na rin nang parami ang mga dayuhan na una na dito ang mga Europeans, pangalawa ang mga Asyano na ang pinakamarami ay Koreano, ikalawa ang Japanese at pumapangatlo ang mga Chinese.
- Latest
- Trending