^

Bansa

Prosecutor nag-sorry

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Humingi kahapon ng paumanhin kay Se­nator-judge Miriam De­fensor-Santiago ang pri­vate pro­­secutor na si Lawyer Vitaliano Aguirre dahil sa kanyang ginawi sa impeachment trial kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona na ikinabalisa ng senadora.

Tumaas sa 190/90 ang alta presyon ni San­tiago pagkatapos ng ma­initang pagtatalo nila na dahilan para suspindihin ni Senate President Juan Ponce Enrile ang paglilitis noong Miyer­kules.

Ginawa ni Aquirre ang paghingi ng paumanhin sa panayam sa kanya.

Gayunman, iginiit ni Aguirre na walang dapat ihingi ng paumanhin sa kanyang ginawa na tina­takpan niya ang kanyang mga tenga ha­bang kinakastigong muli ni Santiago ang pro­secution na dahilan para idesekato siya o i-cite for contempt of court ng Senado.

“May konting mali pero di pambabastos iyon sa impeachment court. Ma­laki ang paggalang ko sa kanya [Senate Pre­­sident Juan Ponce Enrile], binigyan niya ako ng tsansang magpaliwanag,” sabi pa ni Aguirre sa ulat.

Humingi rin si Aguirre sa mga kasamahan niya sa prosecution panel para sa anumang masamang epekto sa kanila ng nagawa niya.

Samantala, ba­ga­man pag-uusapan pa la­mang ng mga senador kung ano ang dapat igawad na parusa kay Aguirre dahil sa pambabastos kay Santiago at sa impeachment court ka­makalawa, nais ni Enrile na ikulong ito sa Senado sa loob ng da­lawang araw.

Sinabi ni Enrile na naiintindihan niya ang sobrang frustrations ni Santiago dahil sa panga­ngapa ng prosekusyon na ilang beses na ring nasabihan na hindi handa sa isinampang walong Articles of Impeachment pero binawi na ang lima.

“Pag nakikita namin ang kapwa abogado na­min na nangangapa, frustrating ‘yon,” sabi ni Enrile.

Matatandaan na mis­mong si Santiago ang nag­pa-contempt kay Aguirre matapos isumbong ni Senator Jose “Jinggoy” Estrada sa impeachment court na nagtatakip ng tenga ha­bang sinesermunan ni Santiago ang pro­se­kusyon dahil sa ginawang pagbawi ng lima sa walong Articles of Impeachment.

Ayon kay Enrile, nor­mal lamang sa mga hukom na sermunan ang mga abogadong nag­tu­tungo sa korte ng hindi handa sa kanilang kaso.

Sa ibang kaganapan, ipina-contempt ka­hapon ni Enrile ang isang exa­miner ng Bangko Sen­tral ng Pilipinas (BSP) na kasama sa mga nag-im­bestiga sa bank records ni Corona sa Philippine Sa­vings Bank noong 2010.

Sa pagdinig ng Se­­ nate Committe on Banks, inakusahan ni Enrile si Jerry Leal, isang anti-money laundering exa­miner ng BSP ng pagsi­sinungaling dahil sa ginawa nitong pagbawi ng unang pahayag noong Pebrero 27 na hindi nito nakita ang bank records ni Corona nang magsa­gawa sila ng audit sa BSP.

Pero kahapon ay ina­min ni Leal sa hearing ng komite na nagkaroon siya ng access sa bank records ni Corona.

Kapwa naman iti­nanggi ng BSP at ng PS Bank na sa kanila nag­­mula ang sinasabing bank documents ni Corona na ginamit ng prosekusyon sa impeachment trial ni Corona.

AGUIRRE

ARTICLES OF IMPEACHMENT

BANGKO SEN

ENRILE

HUMINGI

IMPEACHMENT

JERRY LEAL

JUAN PONCE ENRILE

LAWYER VITALIANO AGUIRRE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with