Atenista topnotcher sa 2011 Bar Exams
MANILA, Philippines - Muling nakopo sa ikalawang pagkakataon ng Ateneo de Manila University ang 2011 Bar Exam na ginanap sa University of Santo Tomas (UST).
Kasabay nito, inilabas na rin ng Korte Suprema ang mga pangalan ng 1,913 mga nakapasa mula sa 6,200 na kumuha ng pagsusulit noong nakaraang taon.
Kabilang sa mga nasa top 10 sina Raoul Atadero (Ateneo de Manila University) - 85.536%; Luz Bolong (Ateneo de Manila University) - 84.556%; Cherry Rafal-Roble (Arellano University) - 84.455%; Rosemil Banaga (Notre Dame, Cotabato) - 84.122%; Christian Louie Gonzales (UST ) - 84.093%; 6. Ivan Bandal (Silliman University) - 84.090%; Eirene Acosta (San Beda College) - 84.066%; Irene Marie Qua (Ateneo de Manila University) - 84.057%; Elaine Lacerda (Far Eastern University-DLSU) - 84.040% at Rodolfo Aquino (San Beda College) - 83.727%
Ayon kay Supreme Court Associate Justice Roberto Abad na siya ring chairman ng 2011 Bar Examinations Committee, 34 percent ang pumasa sa multiple choice, 50 percent sa legal opinion essay ng pagsusulit at 15 porsiyento ang nakapasa sa trial memorandum essay part.
Gaganapin ang oathtaking ng mga nakapasa sa March 21 sa PICC.
- Latest
- Trending