^

Bansa

Pamilya ng hazing victim aayudahan

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Sa gitna ng pagluluksa at pagdadalamhati sa pagkamatay ng  biktima ng hazing na si Marvin Reglos, siniguro pa rin ng pamunuan ng San Beda College na bibigyan nila ng tulong ang pamilya nito kasabay ng pakikipagtulungan sa National Bureau of Investigation at Philippine National Police upang maresolba agad ang nasabing kaso.

Sa isang pahinang liham ni Very Rev. Fr. Aloysius Ma. Maranan, bagamat patuloy ang pakikiisa nila sa kapayapaan, mariin naman nitong kinokondena ang karuwagan at labag sa batas na kilos ng fraternity.

Paliwanag pa ni Maranan, hindi nila kinikilala ang anumang fraternities at sororities sa kanilang paaralan at ang anumang pagsali o pagkakasangkot ng kanilang mga estud­yante sa ganitong orga­nisasyon ay maituturing na paglabag  at maaring maparusahan o mapatalsik sa eskuwelahan ang isang estudyante.

Kinokondena din ng pamunuan ng San Beda ang anumang organisasyon na gumagamit ng pananakot, intentional force, physical violence o pananakit sa mga estudyante.

ALOYSIUS MA

KINOKONDENA

MARANAN

MARVIN REGLOS

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PALIWANAG

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SAN BEDA

SAN BEDA COLLEGE

VERY REV

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with