Legs seminar paghahanda sa graduating students sa Caloocan
MANILA, Philippines - Upang matulungan ang mga graduating students sa lahat ng paaralan sa Caloocan City ay nagsagawa ng Labor Education for Graduating Students (LEGS) ang lokal na pamahalaan kasabay na rin ng pagdiriwang ng ika-50 taong anibersaryo sa pagkakatatag ng lungsod.
Ayon kay Mayor Enrico “Recom” Echiverri, isa sa layunin ng ginanap na seminar ay ang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga graduating students sa kanilang pakikisalamuha sa mga magiging kasamahan sa trabaho at kung paano ang pagkakaroon ng tamang relasyon sa kanilang magiging employers.
Bukod dito, ipinaalam din sa mga graduating students ang labor laws, policies, standards and rules and regulations na kahaharapin ng mga ito sa kanilang panibagong hakbang sa buhay na kahaharapin.
Ang proyektong ito ay ginanap sa University of Caloocan City (north and south) noong February 24, 2012 kung saan ay umabot sa mahigit 2,000 graduating students ang dumalo.
Sinabi pa ni Mayor Echiverri, magpapatuloy ang programa ng lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng mga bagong kaalaman sa mga estudiyante dahil naniniwala ang alkalde na ang mga kabataang ito ang magiging sandigan ng lungsod sa susunod na henerasyon.
- Latest
- Trending