MANILA, Philippines - Dahil sa patuloy na pagpapatupad ng pamahalaan ng alert levet 4 o mandatory evacuation sa Syri.
May 35 pang Pinoy ang dumating sa bansa mula Syria matapos na lumikas sa nasabing magulong bansa, kahapon.
Ang 35 OFWs ay dumating sa dalawang batch mula Damascus.
Sinabi ni Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez na unang dumating ang may 22 Pinoy sa Ninoy Aquino International Airport sakay ng Emirates Airways flight EK-332 dakong alas 4:20 ng hapon kahapon.
Sinundan ito ng ikalawang batch na binubuo ng 13 OFWs na lumapag sa NAIA terminal 1 lulan ng Emirates Airways flight EK-334 bandang alas-9:15 kagabi.
Sinabi naman ni OWWA Administrator Carmelita Dimzon na magbibigay ng assistance at livelihood program sa mga inilikas na OFWs sa ilalim ng reintegration program ng pamahalaan sa mga distressed OFWs.
Ang mga umuwing OFWs ay aalukan ng pansamantalang tirahan sa OWWA Halfway House habang inaayos ang kanilang pangangailangan sa transportasyon pauwi sa kani-kanilang mga lalawigan.