MANILA, Philippines - Papalapit na ang opisyal na pagpasok ng summer o dry season, ayon sa PAGASA.
Sinabi ni weather forecaster Aldzar Aurelio, ang nasabing panahon ay mararanasan batay sa mga nakikitaang senyales, tulad ng mas mainit na panahon, paghina ng hanging amihan, mainit na hangin at pag-igsi ng oras ng gabi.
Kadalasan aniyang nagsisimula ang dry season sa pagitan ng huling linggo ng Pebrero at unang linggo ng Marso.
Hindi pa naman masabi ng PAGASA kung kailan ang opisyal na pagsisimula ng dry season dahil may mga iba pa sila umanong mga senyales na pinag-aaralan.
Naitala noong Biyernes ang pinakamainit na panahon ngayong taon sa Subic sa temperaturang 35 degrees celcius.