Sin Tax Bill ipasa na - DOH
MANILA, Philippines - Pinamamadali ng Department of Health sa Kongreso ang pagpasa ng “sin” tax reform bill na layong dagdagan ang buwis sa mga sigarilyo at alak.
Sinabi ni Health Secretary Enrique Ona na dapat lamang na agad na maipasa ang panukala upang bumaba ang bilang ng mga alcohol at tobacco-related diseases lalo na sa mga mahihirap at kabataan.
Paliwanag ni Ona na ang kanilang aksiyon ay pangunahing paraan upang mapatigil ang mga ito na tangkilikin ang mga naninigarilyo lao na ang mga kabataan.
Nabatid na umaabot sa P400 bilyon kada taon ang ginagastos ng pamahalaan para sa mga may sakit.
Aniya, ang tobacco smoking ay ilan lamang sa mga sanhi ng non-communicable disease (NCD).
Ayon sa World Health Organization, ang NCD ay pangunahing sanhi ng kamatayan sa buong mundo.
Umaabot sa 200,000 Filipino ang namamatay kada taon dahil sa NCDs.
- Latest
- Trending