^

Bansa

Hangin sa MM marumi

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa maruming hangin matapos ang pagtaas ng kaso ng respiratory diseases sa ka­lakhang Maynila.

Ayon kay Health Secretary Enrique Ona,  kailangan nang matigil ang mga aktibidades na nagdudulot ng  air pollution na isa sa pangunahing sanhi ng pagkamatay sa Pilipinas.

Ilan sa mga karaniwang  sakit na nakukuha sa air pollution ay ang pagkakaroon ng allergic reactions, acute respiratory infections tulad ng pneumonia, acute bronchitis; chronic obstructive pulmonary disease (COPD), cardiovascular diseases, carcinogenesis, physical damage sa lungs at pulmonary fibrosis.

Kabilang sa 10 nangungunang dahilan ng pagkamatay noong 2008 na may kaugnay sa air pollution ay ang chronic lower respiratory diseases, heart disease at pneumonia.

Nakatakdang magsagawa ang DOH ng Clean Air Act summit na may temang “Usok Mo, Buhay Ko: Clean Air Summit for Metro Manila” sa Pebrero 29.

AYON

BUHAY KO

CLEAN AIR ACT

CLEAN AIR SUMMIT

DEPARTMENT OF HEALTH

HEALTH SECRETARY ENRIQUE ONA

ILAN

METRO MANILA

USOK MO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with