Bar exam results ilalabas sa susunod na linggo

MANILA, Philippines - Ipinahayag ng Korte Suprema na ilalabas na sa susunod na linggo ang resulta ng 2011 Bar Examination.

Ayon kay SC Spokesman Atty. Midas Marquez, ihahayag nila kung kailan ang eksaktong petsa ng publikasyon ng resulta.

Nauna rito, sinabi ni Associate Justice Roberto Abad, chairman ng 2011 Bar Examinations Committee, na posibleng mailabas ngayong linggong ito ang resulta ng pagsusulit.

Wala naman itong ibinigay na eksaktong petsa, ngunit tradisyunal nang inilalabas ito matapos ang isang full court session, na idinaraos tuwing Martes.

May 6,200 law graduates ang kumuha ng bar exams noong apat na Linggo ng Nobyembre 2011 sa UST campus sa Sampaloc, Manila.

Show comments