Tax bill kinontra ng manggagawa
MANILA, Philippines - Kinondena ng iba’t ibang kumpanya ng si garilyo’t alak pati na rin ng libu-libong manggagawa nito ang planong dagdag na buwis na nais ipataw ng Department of Finance sa kanilang mga produkto.
Ayon sa Distilled Spirits Association of the Philippines (DSAP) at nagsanib-pwersang manggagawa mula sa industriya ng tabako at alak, nanganganib umanong magsara ang mga kumpanya sakaling ipasa ng Kongreso ang House Bill No. 5727.
Sa naganap na public hearing ng ways and means committee sa Kongreso kahapon, sinabi ni DSAP president Olivia Limpe Aw na malabong makamit ng pamahalaan ang target nitong P62-bilyong karagdagang buwis. Aniya tataas umano ng 10 ulit ang buwis na ipapataw sa mga inuming nakalalasing na gawa sa bansa, kung kaya’t tiyak na hihina ang benta nila at delikado pang masara ang kanilang pabrika.
Kasabay ng public hearing, nagdaos ng ma lakihang pagkilos sa Batasan ang libu-libong manggagawa sa industriya ng alak at tabako.
Ayon kay Rodel Atienza, pangulo ng PMFTC labor union, ang HB 5727 ay may masamang epekto sa mga magsasaka ng tabako, factory workers, drivers at pahinante ng delivery trucks, at maging mga sari-sari stores. “Pag itinaas ang buwis, sisirit pataas ang presyo ng sigarilyo, hihina ang produksyon, hindi mabibili ang mga pananim na tabako at bababa ang benta pati na rin ang koleksyon ng buwis,” diin niya.
Nilinaw ng grupo na bagaman ayaw nila sa HB 5727, hindi naman umano nila lubos na tinututulan ang magtaas ng buwis sa halagang ‘di ma giging sanhi ng pagsasara ng kanilang kumpanya.
- Latest
- Trending