MANILA, Philippines - Nakikita na ni Senator Miriam Defensor-Santiago ang pagkatalo ng prosekusyon sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona.
Ayon kay Santiago, ma liwanag namang hindi pinaghandaan ng prosekusyon ang ka nilang Articles of Impeachment laban kay Corona.
Sinabi pa ni Santiago na tinutulungan na nga nila ang prosekusyon na palaging nasesermunan ni Senate President Juan Ponce Enrile dahil sa pagpiprisinta ng mga ebidensiya na diumano’y hindi naman konektado sa pinag-uusapang Article of Impeachment.
Ikinumpara pa ni Santiago sa mga estudyante ang mga miyembro ng prosekusyon sa pangunguna ni Ilolilo Rep. Neil Tupas.
“Tinutulungan na nga sila e…Hindi ko siniseryoso e. Iyang mga iyan, for me parang school boy... Hindi kasi sila handa,” sabi ni Santiago.