^

Bansa

Lifesaving training ilulunsad

- Ni Randy Datu -

SAN ANTONIO, Zambales, Philippines — Dahil sa tumataas na bilang ng insidente sa pagkalunod ng mga turista, isang pagsasanay sa pagsagip ang ilulunsad ng mga may-ari ng beach resort sa bayan ng San Antonio, Zambales.

Isinusulong ng Pundaquit Resort Owners Association (PROA), sa pakiki­pagtulungan ng Zambales Tourism Association, Surfers Association at lokal na pamahalaan ng San Antonio, ang Lifeguarding training sa pakikipag-ugnayan ng Philippine Life Saving, ang nag-iisang full member organization sa International Life Saving Federation of Belgium.  

Ang dalawang linggong pagsasanay na nasa ilalim ng International Standards in Lifeguarding Training, Operations at Water Safety ay lalahukan ng mga kinatawan ng Philippine Navy, at iba pa.

Nakatakdang ganapin ang pagsasanay sa Marso 1-12, 2012 sa Megan’s Paradisio Beach Resort sa Barangay Pundaquit at Naval Training Center (NTC) sa Barangay San Miguel.

BARANGAY PUNDAQUIT

BARANGAY SAN MIGUEL

INTERNATIONAL LIFE SAVING FEDERATION OF BELGIUM

INTERNATIONAL STANDARDS

LIFEGUARDING TRAINING

NAVAL TRAINING CENTER

PARADISIO BEACH RESORT

PHILIPPINE LIFE SAVING

PHILIPPINE NAVY

PUNDAQUIT RESORT OWNERS ASSOCIATION

SAN ANTONIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with