Bitak ng lupa sa Kanlaon 'di magiging ugat ng pagsabog ng bulkan - Phivolcs
MANILA, Philippines - Walang dapat ipangangamba ang publiko laluna ang mga residenteng nakatira sa paligid ng Kanlaon volcano sa Negros Occidental na sinasabing magdudulot ng pagsabog ang mga nakitang bitak ng lupa sa bunganga ng bulkan na epekto ng magnitude 6.9 lindol na tumama sa Negros island noong Pebrero 6.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), walang epekto ang mga bitak ng lupa sa bunganga ng bulkan para ito ay sumabog.
Sinasabing may nakitang 50-metrong haba ng bitak ng lupa sa bunganga ng bulkan at may maliliit ding bitak ng lupa sa ibang bahagi ng bulkan bukod pa sa naganap na landslide sa may Mt. Kanlaon Natural Park.
Kaugnay nito, ipinagbabawal muna ng Phivolcs ang pag-akyat sa bulkan ng mga mountaineers sa naturang bulkan.
Ang Kanlaon volcano ay nasa pagitan ng Negros Occidental at Negros Oriental na siyang matinding tinamaan ng lindol na kumain ng maraming buhay at sumira sa mga kabahayan at mga establisimiento doon.
- Latest
- Trending