QC court, out na sa kaso ng labi ni Iggy

MANILA, Philippines - Dinismis na ng Quezon City regional trial court branch 92 ang kaso hinggil sa kung sino ang dapat mangalaga sa labi ni Rep. Iggy Arroyo.

Ayon kay Atty. Athena Zosa, abogada ni Aleli Arroyo, ikalawang asawa ng kongresista, ibinasura na ng korte ang kaso dahil pumayag na ang kampo ni Grace Ibuna at anak ni Cong. Arroyo na si Bianca Arroyo Tantoco sa kahilingan ni Aleli.

Pagdating sa bansa ng labi ni Iggy, una itong dadalhin sa no.14 Badjao St., La Vista Subdivision sa ancestral home ng mga Arroyo at mananatili roon ang mga labi hanggang alas-10 ng umga ng Linggo bago ilipat sa bahay ni Aleli sa no. 17 Badjao St., La Vista Subd. na magtatagal naman ng dalawang araw.

Martes ng alas-10 ng umaga dadalhin ang labi ni Iggy sa Kongreso pero ilang oras lang magtatagal roon bago ilipat papuntang Bacolod hanggang Huwebes saka muling ibabalik sa bahay ng mga Arroyo La Vista sa Biyernes.

Show comments