^

Bansa

Probe vs hazing inutos ng DOJ

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ni Justice Secretary Leila de Lima sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkamatay ng San Beda Law student na si Marvin Reglos dahil umano sa hazing.

Ayon kay de Lima, pinamamadali niya sa NBI ang imbestigasyon matapos na humingi ng tulong ang  kapatid ng biktima. Si Reglos ay nagtamo ng  mga pasa at sugat sa iba’t ibang  bahagi ng katawan at dinala ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki sa Unciano Medical Center sa Antipolo City kung saan idineklara itong dead on arrival.

“It’s very alarming on my part na malaman na ang involved na fraternity is the fraternity na allied sa sorority ko but the more that I would want to really know the truth kung sino sino ang involved. We have an Anti-hazing Act, it’s a criminal act,” sabi ng kalihim.

Idinagdag pa ni de Lima na kailangan na muling mapag-aralan ang anti-hazing law upang malaman ang  responsibilidad ng fraternity leaders na siyang nagpapasimuno ng hazing.

ANTIPOLO CITY

AYON

IDINAGDAG

JUSTICE SECRETARY LEILA

MARVIN REGLOS

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SAN BEDA LAW

SI REGLOS

UNCIANO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with