^

Bansa

Hostage-taking sa mediamen itinanggi ng Army

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Na-stranded lamang umano sa landslide at walang katotohanan ang napaulat na pangho-hostage ng Cafgu Active Auxiliary (CAA ) sa 12 reporter sa bayan ng Bayug, Zamboanga del Sur kahapon ng umaga.

 Ito ang ginawang paglilinaw kahapon ni Army Spokesman Major Harold Cabunoc na pinasubalian ang paratang ni dating radio reporter Lito Pedrano na hinostage ng mga CAFGU ang nasa 12 reporter na miyembro ng National Union of Journalist of the Philippines (NUJP).

Sa reklamo sa isang himpilan ng radyo ni Pedrano, hinostage umano ng grupo ng mga CAFGU ang 12 reporter na nakabase sa Pagadian City, Zamboanga del Sur  matapos ang mga itong harangin sa checkpoint sa Brgy. Ginuman, Bayugan habang patungo sa coverage sa isang demolition site sa mga kabahayan sa isang mining site sa nasabing lalawigan.

Sinabi ni Cabunoc na agad inatasan ni AFP Western Mindanao Command Major Gen. Noel Coballes si Army’s102nd Infantry Brigade Lt. Col. Nasser Pendatun na iberepika at imbestigahan ang insidente hanggang sa nabatid na na-stranded lamang ang mga ito sa landslide at hindi ginawang hostage ng CAFGU.

vuukle comment

ARMY SPOKESMAN MAJOR HAROLD CABUNOC

CAFGU ACTIVE AUXILIARY

INFANTRY BRIGADE LT

JOURNALIST OF THE PHILIPPINES

LITO PEDRANO

NASSER PENDATUN

NATIONAL UNION

NOEL COBALLES

PAGADIAN CITY

WESTERN MINDANAO COMMAND MAJOR GEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with