Bucor chief kinasuhan ng graft
MANILA, Philippines - Sinampahan na ng kasong paglabag sa anti-graft and corrupt practices act sa Department of Justice si New Bilibid Prisons (NBP) Director Gaudencio Pangilinan.
Sa 3-pahinang complaint affidavit na personal na inihain ni prison guard at dating miyembro ng bids and awards committee ng NBP na si Kabungsuan Makilala kasama ang abogadong si Atty. Allan Paguia at Sandra Cam ang kanyang reklamo hinggil sa umano’y katiwalian na nagaganap sa loob ng NBP.
Kabilang sa reklamong isinampa ay ang violation of RA 9184 o government procurement act nung pinaboran ang mayers foods and catering services para sa pagsu-supply ng pagkain ng mga inmates sa halagang P16M??. Halos isa’t kalahating milyong pisong kontrata sa renovation ng admin bldg na tinawag na-chop-chop procurement at hindi otorisadong pagpuputol sa mga historical na puno at walang permiso mula sa DENR.
Bukod pa ang diumano’y ligal na paglilipat sa ibang selda ng ilang mga inmates at unauthorized exercise of appointing power. Humiling din ang mga ito na maisailalim sila sa DoJ Witness Protection Program.
Samantala, nilinaw ni Justice Secretary Leila De Lima na wala siyang inaprubahang paglilipat ng mga preso mula sa New Bilibid Prisons (NBP) papunta ng Camp Capinpin, Rizal at Dasmariñas, Cavite.
Ang pahayag ni De Lima ay bilang tugon sa alegasyon ng prison guard na si Kabungsuan Makilala laban kay Bureau of Corrections (BuCor) Director Gaudencio Pangilinan.
- Latest
- Trending