Mataas na buwis sa beer papasanin ng mahihirap
MANILA, Philippines - Milyun-milyong Filipino ang papasan ng mataas na buwis na nais ipataw ng Department of Finance (DoF) sa mga beer na tinatangkilik ng uring manggagawa.
Ito ang babala ng Asia Brewery, Inc. (ABI) na siyang may gawa ng Beer na Beer at Colt 45, dalawa lamang sa mga sikat na produktong sapul sa
panukalang dagdag buwis na tinutulak ng DoF.
Ayon kay ABI chief finance officer Enrique Martinez, tataas ng mahigit doble ang buwis ng mga beer sa low price category kung isasabatas ng
Kongreso ang House Bill No. 5727.
Aniya, ang 140 porsyentong dagdag na buwis ay mangangahulugan ng pagtaas ng presyo kada bote ng popular na
serbesang inumin sakaling pumasa ang panukala.
Bagama’t ang uring manggagawa ang papasan ng mataas na buwis, karampot o 21 porsyento lamang ang madadagdag na tax sa mayayamang kumukonsumo ng
mamahalin at maging imported beer brands.
- Latest
- Trending