^

Bansa

Milyones ng Corona family baka nailabas na ng PHL-solon

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Posibleng nailabas na umano ng Pilipinas ng pamilya ni Chief Justice Renato Corona ang milyones na nai-withdraw noong Disyembre na araw na inihain ng House Justice Committee ang impeachment complaint sa Kamara.

Ito ang pangamba ni Akbayan Rep. Walden Bello matapos ang testimonya ni PSBank Katipunan branch manager, Annabelle Tiongson noong nakaraang linggo kung saan sinabi nito na ang tatlong time deposit accounts ni Corona na naglalaman ng P32.6 mil­yon ay isinara na noong December 15, 2011.

Ayon kay Bello, kailangang manmanan ito ng gobyerno dahil kung mapapatunayang ill-gotten wealth ang salapi ay nararapat itong kumpiskahin ng pamahalaan.

Nakakapanghinayang umano ang tagumpay ng inaani ng taumbayan sa bawat pagkakaungkat ng hindi deklaradong yaman ni Corona kung maipupuslit lamang ang salapi nito subalit base naman sa pahayag ng depensa, ang na-withdraw sa time deposit ay sa kumpanyang Basa-Guidote Enterprises na subject ng litigasyon.

“Question now is whether the P12.02 million in BPI had not also been withdrawn by Corona alongside the three PSBank TD accounts he closed in a jiffy and now tries to lamely explain as money belonging to Basa Guidote Enterprises, Inc., a company purportedly owned by his wife’s family,” ayon pa kay Bello.

AKBAYAN REP

ANNABELLE TIONGSON

AYON

BASA GUIDOTE ENTERPRISES

BASA-GUIDOTE ENTERPRISES

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

DISYEMBRE

HOUSE JUSTICE COMMITTEE

WALDEN BELLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with