Thanksgiving mass para sa golden years ng Caloocan
MANILA, Philippines - Pinangunahan ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang thanksgiving mass sa Shrine of our Lady of Grace bilang pasasalamat sa pagdiriwang ng ika-50 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng lungsod.
Bukod kay Echiverri ay dumalo rin sa ginanap na thanksgiving mass sina Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Councilor Ricojudge “RJ” Echiverri, Madam Puri Echiverri, mga opisyal ng lungsod, mga empleyado ng city hall at mga residente.
Sina Rev. Father Mario Sobrejuanite at Archbishop Pedro Dean ang nangasiwa sa misa na sinimulan dakong alas-6 ng gabi sa Shrine of our Lady of Grace na matatagpuan sa M.H. del Pilar St., 11th Avenue, Caloocan City.
Ayon kay Mayor Recom, ang thanksgiving mass ay taun-taong ginaganap ng lokal na pamahalaan bilang pasasalamat sa Poong Maykapal sa pagbibigay ng isang taon ng kaayusan at kaunlaran ng lungsod.
- Latest
- Trending