21 OFWs mula Syria, uuwi!

MANILA, Philippines - Dahil sa ipinatutupad na alert level 4 o mandatory evacuation sa Syria, may 21 OFWs ang naka­takdang dumating sa bansa ngayong araw.

Sa report ni Charge d’ Affaires Olivia Palala ng Embahada ng Pilipinas sa Damascus, ang 21 Pinoy ay umalis sa Damascus, Syria kahapon at ina­asahang darating nga­yong Pebrero 20 sakay ng Emirates Airlines flight EK-332 sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Sa nasabing batch ay isa lang ang lalaki na anak ng isang OFW na nagpasyang magpaiwan sa Syria para sa isang partime job ang uuwi nga­yong araw. Ang nasabing bata ay ipapasa ng DFA sa kan­yang mga kaanak na sasalubong sa NAIA.

Sinabi naman ni Fo­reign­ Affairs spokesman Raul Hernandez na mula sa kabuuang bilang ng OFWs na uuwi, isa ang nagmula sa Tratous, isa sa Homs, dalawa sa Lata­kia at ang iba ay mula sa Damascus.

Show comments