PNoy ayaw paawat, banat kay CJ tuloy
BALER, Aurora, Philippines - Walang balak huminto sa pagsasalita tungkol kay impeached Chief Justice Renato Corona si Pangulong Aquino sa kabila ng panawagan sa kanila ni Corona na itigil na ng mga ito ang kanilang ‘word war’.
Sinabi ni Pangulong Aquino sa media interview dito matapos pangunahan ang inagurasyon ng Aurora Memorial Hospital, bahagi ng demokrasya ang paglalabas ng saloobin kaugnay sa nangyayaring impeachment trial.
“I am within my rights. At yan ang essence ng democracy,” wika ng Pangulo.
Aniya, ang ibinabatong isyu sa kanya ng kampo ni Corona tulad ng SALN at psycholo gical record ay ‘lumang isyu’ na.
Wika pa ng Pangulo, ganito na rin ang ginamit noong kampanya laban sa kanya pero hindi nagtagumpay ang mga nais sumira sa kanyang pagkatao.
Idinagdag pa ng Pangulo, simula ng manungkulan siyang kongresista hanggang sa maging senador at naging chief executive ay regular siyang nagsusumite ng kanyang SALN.
“At hindi ko ito inilalagay sa naka-lock na filing cabinet,” dagdag ng chief executive.
Ipinaliwanag pa ni Aquino, noon ay gumamit sila ng pari na umano’y nagsagawa ng pyscho test sa akin pero itinanggi din ng pari kaya sumunod ay isang professor naman ang kanilang ginamit pero itinanggi din nito ang nais palitawin ng kanyang mga kalaban.
Aniya, ngayon ay gumamit naman sila ng patay na doctor mula sa Boston na umano’y nagsagawa daw ng test sa akin noon.
“Patay ang kanilang ginamit na doctor mula sa Boston upang hindi na ito matanong,” sabi pa ng Pangulo.
- Latest
- Trending