PNoy naghahanap na ng first lady?

BALER, Aurora, Philippines - Inamin ni Pangulong Aquino na nainggit siya sa Com

monwealth President Manuel Luis Quezon dahil mayroon siyang Doña Aurora­ na inspirasyon nito at katuwang sa buhay.

Sinabi ni Pangulong Aquino sa ambush inter­view dito, masarap talaga ang may inspirasyon dahil mayroon kang kakwen­tuhan pagkatapos ng trabaho.

“Matagal ko nang plano ang mag-settle down mula pa noong college pero hindi lang ako sinu­suwerte,” pagbabahagi ng Pangulo.

Kamakailan lamang ay inamin ni PNoy na maayos naman ang ‘relas­yon’ nila ng kanyang ba­gong apple of the eye na si GMA 7 news anchor Grace Lee.

Nakiusap din ang Pangulo sa mga ‘usisero’ na huwag idamay ang pamilya ni Grace matapos malaman ni PNoy na pati ang nanay nito na may-ari ng grocery store ay du­ manas ng harassment mula sa mga ‘usisero’.

Inamin ng Pangulo na lumalabas at nagkikita sila ni Grace matapos silang maging malapit makaraan ang one-on-one interview ni Lee sa Pa­ngulo noong Disyembre.

Show comments