MANILA, Philippines - Nananatili pa rin na umiiral ang tail-end of the cold front sa northern at central Luzon kayat makulimlim ang kalangitan sa Luzon na nagdadala ng mga pag-uulan sa Metro Manila.
Ang bahagi naman ng Visayas at Mindanao ay maaliwalas na ang panahon ngunit may mga maulap na kalangitan ang silangan ng Visayas.
Samantala, patuloy na lumalayo sa bansa ang hindi pa pinangalanang bagyo na namataan sa west Philippine sea. Ito ay patuloy ang pagtungo sa direksiyon papuntang Vietnam.
Banayad hanggang sa katamtaman naman ang baybayin ng bansa.