Rep. Tiangco nagpasaring sa prosec team
MANILA, Philippines - Inasar ni Navotas Rep. Toby Tiangco ang House Prosecution panel dahil sa pagpiprisinta sa korte ng dokumentong nagmula sa hindi kilalang sources.
Ito’y matapos na aminin ni Quezon Rep. Jorge Banal na nakuha niya ang PSBank documents ng account ni Chief Justice Renato Corona na nakasingit sa kanyang gate habang si Mindoro Rep. Rey Umali ay nakuha naman umano ito mula sa isang “small lady”.
Dahil dito kayat hindi na umano nagtataka si Tiangco kung bigla na lang may wet document na bumagsak mula sa kalangitan ngayong dumaranas ng pag-ulan ang Metro Manila at bigla na lamang itong iprisinta ng prosekusyon sa Lunes.
Pang-aasar pa ni Tiangco sa prosecution, mistulang hindi umano alam ng mga ito ang banking laws, dahil natural lamang umano sa isang tao na kapag inabutan ng dokumento ng isang estranghero ay ibi-verify muna ito subalit iba ang ginawa ng prosekusyon.
Samantala determinado ang prosekusyon na tapusin ang presentasyon ng reklamo laban kay Corona bago ang lenten break sa Marso 23.
- Latest
- Trending