Tupas todo-tangging kilala ang PSBank manager

MANILA, Philippines - Itinanggi ng lead prosecutor Niel Tupas sa impeachment court na kilala niya ng personal ang PS Bank branch manager na si Annabelle Tiongson.

Ito ay matapos na tumayo si Senator-Judge Jinggoy Estrada at tanungin si Tiongson tungkol sa kaugnayan ng pamilya nito sa pamilya ni Tupas.

Matapos na itanggi ni Tiongson ay tumayo na rin si  Tupas at pinabulaanan na hindi sila personal na magkakilala ni Tiongson at una niya lamang itong nakita noong Lunes, ang unang araw na tumestigo ito.

Subalit batay sa nakalap na impormasyon ni Estrada ang pinsan ni Tiongson ay naging katandem ng kapatid ni Rep. Tupas nang sila ay tumakbong mayor at vice mayor ng La Paz, Iloilo.

Samantalang naging katandem naman ni dating Governor Niel Tupas, Sr. ang isa sa mga pinsan ni Tiongson sa Iloilo.

Show comments