^

Bansa

Search and retrieval sa Negros tatapusin na - NDRRMC

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Tatapusin na hanggang bukas (Biyernes) ang isinasagawang search and retrieval ope­rations ng tropa ng pamahalaan sa mga pinaghahanap pang biktima ng 6.9 magnitude na lindol na yumanig sa Negros Oriental na grabeng naapektuhan sa Central at Western Visayas Region. 

“ Three days yung request ng local executives dun so until Friday na lang ang search and retrieval ng mga sundalo sa area,” ani National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos.

Kasabay nito, sinabi ni Ramos na gagawin ng memorial site ang Brgy. Planas sa Guihulngan City at ang Brgy. Solongon, La Libertad; pawang sa Negros Oriental na dumanas rin ng delubyo ng landslide dulot ng malakas na lindol na yumanig lalo na sa Central at Western Visayas noong Pebrero 6.

“Maglalagay ng mga krus dun sa area at mag­papadasal,“ ani Ramos dahilan malabo ng marekober pa ang mahigit 60 katao pang nalibing ng buhay sa malagim na trahedya.

“Wala na, wala ng chance (may buhay pa)  talagang negative na yung findings nung thermal imager natin,” dagdag pa ni Ramos.

Sa tala, aabot sa 48 bangkay ang narekober sa mga lugar na sinalanta ng landslide sa Negros Oriental kung saan 23 dito ay mula sa Guihul­ngan City, 54 ang sugatan habang nasa 61 pa ang nawawala.

Samantala , pormal na ring iturn-over kahapon ng AFP ang P2M halaga ng mga relief goods na donasyon ng hukbo sa mga biktima ng lindol sa Negros Oriental.

BIYERNES

BRGY

EXECUTIVE DIRECTOR BENITO RAMOS

GUIHULNGAN CITY

LA LIBERTAD

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

NEGROS ORIENTAL

RAMOS

WESTERN VISAYAS

WESTERN VISAYAS REGION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with