^

Bansa

CNG jeepney ilulunsad ng DoE

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Matapos ang mata­gumpay na paglulunsad sa mga LPG-taxi at unti-unting pagdami ng mga CNG-bus, target naman ngayong i-promote ng Department of Energy (DoE) ang pagkakaroon ng mga CNG jeepney sa lansangan.

Sinabi ni Director Evelyn Reyes ng DoE Energy Utilization and Management Bureau na hindi tulad ng mga electric jeep o E-jeep na pinapagana ng kuryente, patatakbuhin ng compressed natural gas (CNG) ang mga pampasaherong dyip na bukod sa menos gastos ay malaking kabawasan din sa ibinubugang polusyon.

Bagama’t hindi nabanggit ng opisyal kung kelan ipatutupad ang naturang proyekto, sa ngayon aniya ay patuloy ang kanilang pagte-test sa bagong teknolohiya katuwang ang grupo ng mga mechanical engineer mula sa University of the Philippines.

Bahagi ang programa ng Natural Gas Vehicle Program for Public Transport na ipinatutupad ng administrasyong Aquino upang mabawasan ang pangangailangan at pagkonsumo ng bansa sa petrolyo sa pamamagitan ng paghahanap ng mga alternatibong enerhiya at iba pang mapagkukunan ng kuryente.

Sa kasalukuyan, tinatayang aabot sa 70% ng kabuuang inaangkat na produktong petrolyo ng bansa ay napupunta sa transport sector, habang 90% naman ng bahaging ito ay ginagamit para sa pampublikong transportasyon, ani Reyes.

AQUINO

BAGAMA

BAHAGI

DEPARTMENT OF ENERGY

DIRECTOR EVELYN REYES

ENERGY UTILIZATION AND MANAGEMENT BUREAU

NATURAL GAS VEHICLE PROGRAM

PUBLIC TRANSPORT

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with