B-day wish ni Enrile: Stamina at divine light
MANILA, Philippines - Nagdiwang kahapon ng ika-88 kaarawan si Senate President Juan Ponce Enrile kung saan hiniling niya na bigyan pa siya ng lakas ng katawan at “divine light” sa nalalabing panahon ng kaniyang buhay.
“My wish is for God to give me the stamina and the divine light to do what is right in the remaining years of my life,” pahayag ni Enrile.
Sinabi pa ni Enrile na maaga niyang tatapusin ang ika-17 araw ng impeachment trial kahapon dahil may dinner siya at ang kaniyang pamilya at upang makapag-celebrate din ng Valentine’s Day ang lahat ng sumusubaybay sa paglilitis.
“I want to end (today’s trial) at 5:30pm para kayo makapag-Valentine’s Day,” sabi ni Enrile.
- Latest
- Trending