^

Bansa

Valentine's Day sa Rizal Park

-

MANILA, Philippines - Inaanyayahan ng pamunuan ng Rizal Park ang publiko partikular na ang pamilyang Pinoy gayundin din ang mga magsing-irog na mag-celebrate ng kanilang Valentine’s day sa parke ngayong araw na ito.

Ayon kay National Parks Development Committee (NPDC) Executive Director Juliet Villegas, isang love concert ang inihanda para sa publiko na may temang “Love Concert at Rizal Park” na magsisimula ng alas- 7:00 ng gabi harap ng pamosong Rizal Park Musical Dancing Fountain sa Central Lagoon.

Iba’t- ibang ‘genre’ ng tugtugin ang inhanda ng mga bandang “Rhythm and Voices; Half Cadence Band; at The Chongkeys” upang haranahin at aliwin ang mga pupunta sa parke. Bukod sa libreng concert, mamimigay rin ang NPDC ng Uni-Silver TIME watches, Uni-Silver TIME special edition mugs, at Eco-Bags naman mula sa Mario D’ boro sa pamama­gitan ng iba’t ibang games na inihanda para sa mga couples o lovers. Magkakaroon rin ng dalawang photo booth sa parke kung saan maaaring makapag-pakuha ng kanilang souvenir photos ang bawat isa.

Magugunitang noong nakalipas na taong 2011 ay nagsagawa rin ng isang libreng Valentine’s concert sa Rizal Park na dinayo ng hindi bababa sa 50,000 katao o park goers.

 Siniguro rin naman ng nasabing opisyal ang peace and order sa parke kung saan 24/7 na nakabantay ang Rizal Park Security Forces, Rizal Park Tourist Police at Luneta Police Community Precinct.

vuukle comment

CENTRAL LAGOON

EXECUTIVE DIRECTOR JULIET VILLEGAS

HALF CADENCE BAND

LOVE CONCERT

LUNETA POLICE COMMUNITY PRECINCT

MARIO D

NATIONAL PARKS DEVELOPMENT COMMITTEE

PARK

RHYTHM AND VOICES

RIZAL PARK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with