Aquino kuntento sa performance ng PNP
MANILA, Philippines - Kuntento si Pangulong Benigno Aquino III sa performance ng Philippine National Police (PNP) sa peace and order sa bansa.
Ito ang inihayag ni PNoy matapos ang isinagawang command conference kahapon na pinangunahan nito sa Camp Crame na dinaluhan ng mga matataas na opisyal ng PNP sa pamumuno ni PNP Chief Director General Nicanor Bartolome.
Sa ambush interview ng mediamen, sinabi ni PNoy na bumaba ng malaking porsiyento ang kriminalidad pero sa kabila nito’y dapat na pag-ibayuhin pa rin ng kapulisan ang kanilang pagtugon sa kanilang tungkulin.
Sa panig ng PNP, sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., na tumaas ng 50 % ang pagtugon ng PNP sa peace and order kasabay ng pangakong sisikapin nilang mapababa pa ang kriminalidad kundi man tuluyan na itong matuldukan.
Idinagdag pa nito na patuloy na gumaganda ang sitwasyon ng peace and order bunga ng puspusang high profile security operations ng PNP.
- Latest
- Trending