MANILA, Philippines - Isang ‘non-working holiday’ ngayong Lunes sa Paranaque City bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-14 Cityhood Anniversary ng lungsod.
Ilang aktibidad ang inihanda ng pamahalaang lungsod ng Parañaque na inumpisahan sa pagbibigay ni Mayor Florencio Bernabe, Jr. ng isang “educational trip” sa 60 mag-aaral na may edad na 6-16 taong gulang buhat sa Bahay Aruga nitong nakaraang Pebrero 10.
Ipinasyal ng alkalde ang mga mag-aaral sa Bio Research Park at Enchanted Kingdom.
Nitong Pebrero 11, isang ‘coastal clean-up’ sa Manila Bay ang isinagawa sa baybayin ng Solid Waste and Environmental Sanitation Office katuwang ang mga ‘non-government organizations’, mga grupo ng kabataan at mga residente.
Isang selebrasyon rin ang isasagawa ngayong Lunes ng pamahalaang lokal bilang selebrasyon ng pagkakadeklara bilang lungsod ng Parañaque noong 1998 sa pamamagitan ng Proclamation no. 329 ng Office of the President.