Pamilyang OFWs inihayag ang 2012 events
MANILA, Philippines - Inihayag ng Pamilyang Overseas Filipino Workers-Small and Medium Entrepreneurs Network Foundation Inc. (Pamilyang OFWs) ang mga aktibidad nito sa taong 2012 na layunin na i-transform ang karamihan ng pamilyang OFWs bilang mga negosyante sa kanilang komunidad.
Ang Pamilyang OFWs (na may website address na: http//www.pamilyangofw.com at tel. nos. 400-6072), na itinatag noong Pebrero 14, 2002 ay regular na nagsasagawa ng quarterly expositions na layunin na bigyan ng kapangyarihan ang pamilyang OFWs at micro, small and medium entrepreneurs (MSMEs) sa pamamagitan ng impormasyon, oportunidad at benepisyo.
Sinabi ni Pamilyang OFWs president George Arban Arriola na ang mga sumusunod ay ang kanilang mga aktibidad sa taong ito: Handog kay PNoy Jobs and Livelihood Expo 2012 (Part 1) at 7th Pamilyang OFWs-MSMEs Summer Expo sa Marso 9-10 sa Philippine Trade Training Center (PTTC) sa Pasay City; Handog kay PNoy Jobs and Livelihood Expo 2012 (Part 2) at 11th Pamilyang OFWs-MSMes Expo sa Hunyo 29-30 sa PTTC; handog kay PNoy Jobs and Livelihood Expo 2012 (Part 3), Pamilyang OFWs Investment and Business Expo 2012, at 9th Filipino Seafarers Family Expo and Forum sa Sept. 28-29 sa PTTC; at handog kay PNoy Jobs and Livelihood Expo 2012 (Part 4), Pamilyang OFWs Investment and Business Expo 2012 at 7th Pamaskong Handog sa Pamilyang OFWs at MSMEs sa Dis.13-14 sa PTTC.
Sa survey na isinagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas, lumitaw na dumarami sa mga benepisyaryo ng OFWs ang nag-iipon at namumuhunan kasabay ng pagpapalakas ng Central Bank sa advocacy nito sa produktibong paggamit ng remittances ng OFWs.
- Latest
- Trending