Barangay na iilan lang ang constituents pinabubuwag
MANILA, Philippines - Sinimulan na ng Manila City Council ang pagbuwag sa barangay na kakaunti lamang ang constituents.
Partikular na naipasa na sa ikatlong pagbasa sa konseho ang ordinansa na naglalayon na mabuwag ang barangay 659-A, Zone 71, District V na pinamumunuan ni Chairman Ligaya Santos.
Sinabi ni Manila Vice Mayor Isko Moreno na masusing pinag-aralan ng konseho ang ordinansa na kumukuwestiyon sa napakaliit na bilang ng constituents ng nabanggit na barangay, na siyang pangunahing kwalipikasyon para maging isang barangay.
“Sino ba ang nakatira sa CCM, sino ba ang nakatira sa Park and Ride,?,” ani Moreno, matapos isagawa ang physical examination sa mga lugar na nasasakop ng Bgy. 659-A.
Ang nabanggit na barangay ay mapupunta na umano sa Bgy. 659 Zone 71, na dating pinaghati pa sa Bgy. 659-A at 659-B kung saan si Chairman Nestor Malabag naman ang Punong Barangay.
Ani Moreno, pinag-aaralan na rin ang pag-abolish sa iba pang barangay na kakaunti ang constituents.
- Latest
- Trending