Russia nag-donate ng P13-M relief goods
MANILA, Philippines - Tinatayang nagkakahalaga ng P13 milyon na humanitarian aid ang ipinadala ng bansang Russia para sa mga biktima ng mga kalamidad sa Pilipinas.
Ayon kay Vice President Jejomar Binay, dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Sabado ng umaga ang unang batch na 60 toneladang relief goods habang ang second batch ay darating sa Manila sa Pebrero 15.
Sabi ni Binay, ang pamahalaan ay lubhang nagpapasalamat sa tulong na ipinadala ng Russia at sa kanilang ipinakitang kabutihan.
Hiniling ng kinatawan ng Russian government na si Ambassador Nikolay Kudashev sa OVP na bigyan sila ng assistance para sa isinasagawang delivery ng humanitarian aid sa Manila.
Ipinadala ng Russia ang 16,200 lata ng preserved meat, 7,200 lata ng preserved fish, 5,000 kilong asukal, 80 pirasong tent at 1,500 pirasong blanket, na aabutin sa may 9.13 million rubles o P12.9 million.
Hiniling naman ng Bise Presidente sa Department of Social Welfare and Development (DWSD) na mag-assist sa distribusyon ng mga relief goods sa Negros Oriental at iba pang lugar na naapektuhan ng nagdaang lindol at iba pang kalamidad.
- Latest
- Trending