MANILA, Philippines - Tulad ngayong taon, nananatiling positibo ang pananaw ni Agriculture Sec. Proceso Alcala na makakamit ang kanilang target na rice self suffiency sa susunod na taon sa kabila ng mga naganap na kalamidad sa bansa tulad ng bagyong Pedring at Quiel noong nakaraang taon.
Sinabi ni Alcala na bagamat nawala ang may 1 milyong metrikong toneladang bigas dahil sa nasabing mga kalamidad ay nakapag-angkat naman ang bansa ng 600,000 metrikong toneladang bigas
Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Alcala ang daan-daang irrigation association sa Luzon na agahan ang pagtatabas ng pananim upang maiwasan ang mga buwang pumapasok sa bansa ang malalakas na bagyo.
Kaugnay nito, napaulat sa international rice market na unti-unti ng lumakas ang suplay ng bigas sa Pilipinas dahilan sa ang ating bansa ay nakakapagluwas na rin ng bigas.