^

Bansa

Bigas sapat din sa 2013

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Tulad ngayong taon, nananatiling positibo ang pa­nanaw ni Agriculture Sec. Proceso Alcala na makakamit ang kanilang target na rice self suffiency sa susunod na taon sa kabila ng mga naganap na kalamidad sa bansa tulad ng bagyong Pedring at Quiel noong nakaraang taon.

Sinabi ni Alcala na bagamat nawala ang may 1 milyong metrikong toneladang bigas dahil sa nasabing mga kalamidad ay nakapag-angkat naman ang bansa ng 600,000 metrikong toneladang bigas

Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Alcala ang daan-daang irrigation association sa Luzon na agahan ang pagtatabas ng pananim upang maiwasan ang mga buwang pumapasok sa bansa ang malalakas na bagyo.

Kaugnay nito, napaulat sa international rice market na unti-unti ng lumakas ang suplay ng bigas sa Pilipinas dahilan sa ang ating bansa ay nakakapagluwas na rin ng bigas.

AGRICULTURE SEC

ALCALA

KAUGNAY

LUZON

PEDRING

PILIPINAS

PROCESO ALCALA

QUIEL

SINABI

TULAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with