MANILA, Philippines - Linggo-linggong kilos protesta ang idaraos ng militant transport group na Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) para labanan ang walang habas na pagtaas at overpricing sa presyo ng langis at pagbasura sa Oil Deregulation Law.
Sinabi ni Piston national president George San Mateo, ang ODL ay may 14 taon ng pahirap kay Juan dela Cruz matapos maisabatas ng Kongreso noong February 10, 1998.
Aniya, sa kanilang monitoring at recording mula noon, 500 percent ang inakyat ng presyo ng diesel, gasoline, LPG at iba pang petroleum products at patunay ito na bigo at palpak ang ODL na kontrolin ang presyo ng petrolyo para sa kapakanan ng publiko.
Naniniwala ang Piston na ang State Regulation at Nationalization ng oil industry ang tunay na solusyon para makamit ang oil security at affordability ng lanais sa ating bansa.