MANILA, Philippines - Makakatanggap ng halagang P110,000 ang bawat pamilyang nasira ang bahay sa Negros Oriental makaraang maapektuhan ng 6.9 magnitude na lindol.
Ayon kay DSWD Sec. Dinky Soliman, sa naturang halaga, ang P70,000 ay magmumula sa Department of Social Welfare and Development habang P40,000 sa National Housing Authority (NHA).
Sinabi ni Soliman na nasa 1,715 pamilya ang makikinabang sa nasabing core shelter program ng gobyerno matapos tuluyang masira ang mga bahay sa lindol.
Sa susunod na linggo, sisimulan na ng DSWD ang pamamahagi ng P5,000 emergency shelter assistance para sa mga pamilyang partially damaged ang mga tirahan.
Umabot na sa 23,371 pamilya ang apektado ng lindol matapos maidagdag ang listahan mula sa Cebu.
May 42 centers na umano ang naitatayo at parating na rin sa Negros Oriental ang 10,000 food packs mula sa operations center ng DSWD Manila.