Mga residenteng malayo sa fault line 'wag kampante - Phivolcs
MANILA, Philippines - Pinaalalahanan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang mga residenteng nakatira malayo sa mga fault line na huwag maging kampante sa halip ay maging handa sa sandaling magkaroon muli ng pagyanig sa bansa.
Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, maging ang mga lugar na malayo sa fault line ay maari rin anyang tamaan ng lindol.
Hinalimbawa nito ang nangyari noong 1990, kung saan tinamaan ng magnitude 5.0 na lindol ang Baguio City na ikinamatay ng daan-daan, kahit na malayo ito sa epicenter ng lindol na nasa Nueva Ecija.
Gayundin ang nangyari sa Legaspi City sa Albay nitong Pebrero 6 na may naitalang intensity 3 na aftershock kahit malayo pa ito sa Negros Oriental.
Ayon kay Solidum, normal ang ganitong sitwasyon dahil apektado ang lahat ng plates ng lupa basta’t may malaking pagyanig kahit na hindi magkakatabi ang mga lugar.
Giit nito, masyado umanong nakatuon ang pansin ng marami sa fault line, subalit ang ganitong pananaw ay mali dahil kahit malayo ito sa kanila ay dapat pa ring paghandaan.
Ayon sa pag-aaral, kada 200-400 taon ang pagkilos ng West Valley fault line ng Metro Manila at ang pinakahuli ay 200 taon ang nakalipas.
- Latest
- Trending