^

Bansa

SC nag-TRO sa dollar accounts ni Corona

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Nagpalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema kung saan pinipigilan ang PSBank na isumite ang dollar account ni Chief Justice Renato Corona.

Sa botong 8-5-1, hinarang ng SC ang pagsasapubliko ng foreign currency accounts ni Corona na siyang sentro ng paglilitis sa Senado.

Kabilang sa mga hu­marang sina Associate Justice Teresita Leonardo-de Castro, Arturo Brion, Lucas Bersamin, Martin Villarama, Jose Perez, Bienvenido Reyes, Jose Mendoza at Roberto Abad habang sina Antonio Carpio, Ma. Lourdes Se­reno, Mariano del Castillo, Diosdado Peralta at Estela Perlas-Bernabe ay pabor na mabuksan ang dollar account. Nag-inhibit naman sina Corona at Associate Justice Presbiterio Velasco.

Ayon kay SC administrator at spokesman Atty. Midas Marquez, indefinite ang TRO.

Ang resolusyon ng Ka­taas-taasang hukuman ay kaugnay sa isinampang petition for certiorari and prohibition ng PSBank para mapigilan ang impeachment court sa pagpapalabas ng subpoena laban sa bank records ng punong mahistrado.

Batay sa umiiral na Foreign Currency De­po­­sit Act, mahigpit na ipinagbabawal ng batas ang pag­sasapubliko ng mga foreign currency bank accounts kung walang pahintulot mula mismo sa may-ari nito.

ANTONIO CARPIO

ARTURO BRION

ASSOCIATE JUSTICE PRESBITERIO VELASCO

ASSOCIATE JUSTICE TERESITA LEONARDO

BIENVENIDO REYES

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

DIOSDADO PERALTA

ESTELA PERLAS-BERNABE

FOREIGN CURRENCY DE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with