^

Bansa

Prosekusyon na may peso, dollar accounts lumantad!

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Hinamon ni Lingayen­- Dagupan Archbishop Eme­­ritus Oscar Cruz ang si­numang  miyembro ng prosecution na may peso at dollar accounts. 

Ang hamon ay ginawa ni Cruz matapos na hukayin ng prosekusyon ang 10 bank accounts ni Supreme Court Justice Renato Corona sa PSBank.

Ayon kay Abp. Cruz, dapat magsilbing halimbawa ang prosekusyon sa publiko at para ipakita na may kredibilidad sila sa kanilang pagpapana­got sa mga tiwali sa pa­mahalaan.

Naniniwala ang Arsobispo na hindi lamang ang punong mahistrado ang may nakakalulang halaga ng salapi sa mga bangko kundi maging ang mala­laking pulitiko sa bansa.

Inihalimbawa ni Archb. Cruz ang lead prosecutor na si Rep.Niel Tupas na natuklasang mayroon umanong P50 milyong ha­laga ng mansion sa Xavierville Subdivision gayong P65,000 lamang ang buwanang sahod.

Kaugnay nito, sinabihan ni Abp. Cruz si Corona na kung wala syang itinatago at malinis ang kanyang konsensya ay siya na mismo ang mag-boluntaryong magbigay ng kanyang dollar account sa impeachment court.

ARCHB

ARSOBISPO

AYON

CRUZ

DAGUPAN ARCHBISHOP EME

NIEL TUPAS

OSCAR CRUZ

SHY

SUPREME COURT JUSTICE RENATO CORONA

XAVIERVILLE SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with