^

Bansa

P20M ni CJ 'tip of the iceberg'

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Patikim pa lamang umano ang P20 milyon na nadiskubreng peso accounts ni Chief Justice Renato Corona sa Philippine Savings Bank (PSBank) noong 2010 kayat dapat na ring buksan ang dollar accounts nito para malantad ang iba pang ka­yamanan ng Punong Mahistrado.

Sinabi ng mga taga­pagsalita ng prosekusyon na sina Reps. Miro Quimbo, Sonny Angara at Erin Tanada, hindi nila maubos maisip na mayroon lamang P22.9 milyon noong 2010 si Corona gayong na­kabili ito ng tatlong condominium units na may mga halagang P27.2 milyon  at pagka­karoon ng P20 milyon bank deposits ng katulad din taon.

“We have only hit the tip of the iceberg. What we feel is that the ba­lances revealed in Wed­nesday’s trial were random samples of the chief magistrate’s hidden stash,” ayon kay Quimbo.

Paliwanag pa ni Ta­nada, ang collective con­tents ng dalawang bank accounts ay hindi naka­lagay sa Statement of As­sets, Liabilities and Net Worth (SALN) para sa 2010 ni Corona, dahil dito kaya’t umapela ang mambabatas na buksan na ang foreign deposits ng Punong Mahistrado para sa interes ng katotohanan at transparency.

Nauna nang lumutang na mayroong dollar accounts si Corona sa PSBank na naglalaman ng US$700,000 o P30 million gayundin sa Bank of the Philippine Islands (BPI).

Idinagdag naman ni Angara na umaapaw ang pera ni Corona ng taon ding iyon dahil nagawa nitong bumili pa ng mamahaling unit sa Bellagio Tower sa The Fort, Taguig City gayung ang ending balance nito ng taong 2010 ay P20 mil­yon matapos mabili ang naturang ari-arian.

Bukod sa Bellagio property, nakabili din ang mag-asawang Corona ng unit sa Bonifacio Ridge sa Taguig city na nagkaka­halaga ng P9.1 milyon noong 2004, at sa The Columns sa Makati City na P3.6 milyon noong 2003.

vuukle comment

BANK OF THE PHILIPPINE ISLANDS

BELLAGIO TOWER

BONIFACIO RIDGE

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

ERIN TANADA

LIABILITIES AND NET WORTH

MAKATI CITY

MIRO QUIMBO

PUNONG MAHISTRADO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with