Tandem na nagpakalat ng tsunami alert, tugis
MANILA, Philippines - Dahilan sa idinulot na perwisyo sa mga mama-yan, hinahanting ngayon ng pulisya ang riding-in-tandem na nasa likod ng pagpapakalat ng tsunami alert sa Cebu City noong Lunes matapos ang malakas na lindol sa Western at Central Visayas.
Noong Lunes matapos ang pagtama ng lindol dakong alas-11:49 ng umaga sa Cebu City na kabilang sa mga naapektuhan sa Visayas Region ay nagsipagpanik ang mga tao bunga ng tsunami alert.
Sa pahayag ng mga residente ng lungsod, dalawang lalaki umano na lulan ng motorsiklo ang nagbabala sa mga residente bandang alas-2 ng hapon sa pagsasabing nanalasa na ang tsunami sa mga baybayin ng lungsod na epekto umano ng lindol.
Sa ulat ni Cebu City Intelligence Branch Chief Romeo Santander, tukoy na nila ang deskripsyon ng nasabing mga suspek na sangkot sa ‘public disorder’ kung saan ay inaalam pa nila ang iba pang mga detalye sa mga ito upang maaresto at panagutin sa insidente.
Ang nasabing mga suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa ‘public order’ sa ilalim ng Article 153 ng Revised Penal Code.
- Latest
- Trending