^

Bansa

Motorcade para sa Golden year ng Caloocan

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Pinangunahan ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang ginanap na motorcade sa lungsod upang ipaalala sa mga residente ang nalalapit na pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng lungsod.

Sinimulan ang motorcade sa EDSA, Caloocan City (fronting Max’s Restaurant) dakong alas 2:00 ng hapon noong Sabado kung saan ay nagtipon-tipon ang mga opisyal ng lungsod, city hall employees, non-government organizations at iba pang sektor at inikot nito ang mga lansangan sa siyudad.

Sumunod na inikot ng motorcade ang Caloocan North na sini­mulan sa Quirino Highway sa harapan ng Guadonaville Subdivision dakong alas 2:00 ng hapon noong Linggo.

Ayon kay Echiverri, ang ginawang motorcade ay upang ipaalala sa mga residente ang nalalapit na pagdiriwang ng golden year anniversary ng pagkakatatag ng Caloocan City bilang lungsod sa darating na Pebrero 16 ng taong kasalukuyan.

Layunin din nito na imbitahan ang mga residente sa mga gaganaping malalaking programa tulad ng Kasalang Bayan, Family Day, Miss Caloocan at Miss Teen Caloocan, Gawad Recom at iba pa.

Sinabi pa ng alkalde, marami ring nakalaang proyekto ang lokal na pamahalaan na layuning makapagsilbi sa mga residente.   

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

CALOOCAN NORTH

ECHIVERRI

FAMILY DAY

GAWAD RECOM

GUADONAVILLE SUBDIVISION

KASALANG BAYAN

MISS CALOOCAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with