MANILA, Philippines - Naghain ng panukala si Sen. Miriam Defensor-Santiago ng panukala na naglalayong ipasa sa mga magulang ang hatol para sa nagawang kasalanan ng kanilang mga anak na menor de edad.
Sa Senate Bill 3102 na may titulong “Act penalizing the parents or guardians for torts or crimes committed by their minor children or wards” na inihain ni Santiago, sinabi nito na dapat lamang sagutin ng mga magulang ang parusang ipapataw sa kanilang mga menor de edad na anak dahil katungkulan nila ang pangangalaga sa mga ito.
“This bill seeks to penalize the parents or guardians for the tortuous or criminal acts committed by their minor children or wards who are exempt from criminal liability, under Republic Act No. 9344, otherwise known as the “Juvenile Justice and Welfare Act of 2006,” pahayag ni Santiago.
Sa ilalim ng panukala, ang mga magulang o guardians ang sasagot sa multang hindi bababa sa P50,000 pero hindi naman hihigit sa P100,000 na ipapataw sa kanilang menor de edad na anak dahil sa pananakit nito sa ibang tao; paninira ng kagamitan; pagnanakaw; exploitation o paggamit sa kaniyang kapwa bata para gumawa ng krimen; at pagdadala ng deadly weapon.
Ayon kay Santiago, sa Missouri at Oklahoma, ang mga magulang ang nananagot sa kasalanan ng kanilang mga anak.
Naniniwala si Santiago na mas babantayan ng mga magulang ang kanilang mga anak lalo na yong mga edad na 15 hanggang 17 taong gulang na nakakaligtas pa rin sa criminal liability.