MANILA, Philippines - Isang araw o tuwing Lunes kada linggo ay hindi kakain ng karne ang mga taga Quezon City.
Ito ay kapag naaprubahan ang panukalang resolusyon ni 4th district Councilor Jessica Castelo Daza na layong iwasan ng isang araw ng pagkain ng karne ng may 11,000 QC hall employees at mga residente ng 142 barangays at public schools tuwing Lunes at maengganyo ang mga residente na ihain sa mga pamilya ang mga pagkaing gulay sa kanilang hapag kainan.
Sa ilalim ng panukala, ang programa na tatawaging “Luntiang Lunes” ay magiging daan upang higit na mapangalagaan ang kalusugan ng mga residente ng QC at ugaliing kumain ng gulay ang bawat pamilya.
Anya, dulot ng palagiang pagkain ng karne ng mga tao, polusyon at iba pa ay tumaas ang bilang ng mga Pilipinong may sakit na hypertension at 7 milyong Pilipino ay may diabetes.
Sa pagkain ng gulay, maiiwasan ang anumang problema sa kalusugan ng bawat indibidwal at iba pang uri ng cancer.
“Hence, going meatless even for just a day may reduce one’s risk of chronic preventable conditions,” ayon kay Daza.