^

Bansa

15 yrs. kulong sa driver na lasing, bangag

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Parusang 15 taong pagkabilanggo ang naghihintay sa sinumang magmamaneho ng lasing o bangag sa droga at mul­tang P20,000-P200,000 sa magkakasala.

Sa House Bill 5708 ni Marikina City Rep. Marcelino Teodoro, isinusulong nito ang mahigpit na pagpaparusa sa mga nagmamaneho ng lasing sa alak o droga upang mabawasan ang mga aksidente sa lansangan.

Sa kasalukuyan uma­no ay nakapaloob sa Section 56 ng Republic Act 4136 o “Land Transportation and Traffic Code” ang multang P200-P500 para sa mga driver na lasing o lango sa ipinagbabawal na gamot at maaaring makulong ng hindi hihigit sa tatlong buwan na umanong napa­kagaan.

Ayon kay Rep.Teodoro, ang isang indibidwal na may blood alcohol content na 0.10 porsiyento pataas ay masasabing nasa ilalim ng impluwensiya ng alak.

Ang indibidwal ay tinatayang nasa impluwensiya naman ng ipinagbabawal na gamot kung ang dami o quantity ng droga na nasa kanyang sistema ay sapat para maapektuhan ang kanyang persepsyon, mental processes o motor function kumpara sa ordinaryong indibidwal.

Ang hakbang ni Teo­doro ay base umano sa istatistika na naapektuhan ng malaki ang pagmamaneho ng mga driver na lasing o nasa ilalim ng ipinagbabawal na gamot.

AYON

LAND TRANSPORTATION AND TRAFFIC CODE

LASING

MARCELINO TEODORO

MARIKINA CITY REP

PARUSANG

REPUBLIC ACT

SA HOUSE BILL

TEO

TEODORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with